Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung kayo ang tatanungin, kaninong panig kayo mas naniniwala?
A. Mon Tulfo
94398 vote/s out of 110927
85% Vote

B. Raymart & Claudine
16529 vote/s out of 110927
15% Vote

Total Votes: 110927

Angelica Panganiban clears up rumors about an airport incident

12/14/2011 10:21 AM

by: Bernie Franco

Push This

121411-angelica_main.jpgSinagot na rin ni Angelica Panganiban ang mga naglalabasang blind item na diumano’y isang aktres ang gumawa ng eksena sa NAIA international airport kamakailan at pinagmumura pa diumano ang immigration officers doon nang ma-hold siya sa airport dahil nagkaroon ng problema. Hindi man pinangalanan sa blind items ay kay Angelica itinuturo ang mga clues.

Sa press conference ng Segunda Mano, kung saan kasama ni Angelica sina Kris Aquino at Dingdong Dantes, inamin ni Angelica na nagkaroon ng problema sa NAIA nang dumating siya mula sa isang trip pero itinanggi niya ang mga akusasyon gaya ng pagmumura at gumawa ng eksena.

Palabas na dapat kami ni Pooh and then hinarang kami nung parang [immigration officer]. Sabi niya, ‘Ay babayaran n’yo ‘yan, babayaran n’yo ‘yan,’” pertaining to the signature bags na dala ni Angelica na dapat daw magbayad siya ng customs tax.

Sabi ko [sa immigration officer], ‘Magkano po?’ So nagsulat na siya, sabi ko, ‘Magkano po ang babayaran namin?’ Sabi niya [sa kasama niya], ‘Kausapin mo. Sagutin mo ‘yung tanong niya.’ Sabi ko, ‘Hindi po ba pwedeng kayo ang sumagot?’ Sabi ko, ‘Huwag naman po kayong ganyan.’ Kasi syempre gusto ko malaman kung ano ang babayaran ko,” paglalahad ng aktres.

Nang tanungin daw siya ng officer kung magkano ang mga pinamili niyang bag ay hindi raw sumagot si Angelica at sinabi lamang na hindi niya alam. Pagdudugtong niya, “Sabi niya, ‘O sige!’ So nag-imbento na lang siya ng price.”

Pagkatapos daw niyon ay sinabihan sila na bayaran ang ibinigay na amount. Paglilinaw ni Angelica hindi niya nagustuhan ang pakikitungo sa kanya ng opisyal lalo pa’t dumating siya sa airport ng ika-5 ng madaling araw at galing sa 14-hour flight. “Parang ang rude lang na iwe-welcome ka ng ganun pagkatapos ng 14 hours na biyahe, eh kinakausap ko nang maayos, ginaganun-ganun niya ako.”

Itinanggi rin ni Angelica ang mga bali-balitang nagmura raw siya. “No, no, no. Hindi ah! Maraming tao do’n nakaka-ano naman,” sabi niya. Pati raw ang mga balitang ang kasama niya noon na si Pooh ang nagbayad daw sa hininging payment sa kanyang for her purchased bags. “Hindi po ‘yon totoo. Ako ho ‘yung nagbayad. Actually ‘yung sweldo ko, ‘yung dollars ko kasi walang credit card hindi raw sila tumatanggap. Kailangan daw cash so meron akong remaining P6,000 and then ‘yung dollars ‘yung ibinigay ko. Nagkulang na lang ako ng P600 si Pooh na ang nag-abono no’n. Kasi hindi kami makakalabas eh kasi ‘yung ATM nasa labas so andun lang talaga kami sa loob.”

Comments
annabelle delos reyes
12/15/2011 10:38 AM
ok lang yan kung me recibo at least napunta talaga sa kaban ng bayan. nakakalungkot lang na sariling kababayan ang ini intimidate nila. dapat me proper procedure tungkol sa ganyan para alam ng tao dapat gawin.

Guest
12/15/2011 3:08 AM
Hi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for more updates news of ABSCBN Artists/Shows. Thank you po.Proud to Be Kapamilya 4-ever. ? we need more followers, please help and support. Thanks?

Guest
12/15/2011 3:08 AM
Hi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for more updates news of ABSCBNArtists/Shows. Thank you po.Proud to Be Kapamilya 4-ever. ? we need more followers, please help and support. Thanks?Hi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for more updates news of ABSCBNArtists/Shows. Thank you po.Proud to Be Kapamilya 4-ever. ? we need more followers, please help and support. Thanks?Hi mga kapamilya! Please follow

@StarMagicABSCBN

in twitter, for m

angelica behrens
12/14/2011 11:27 PM
i have had some experiences in NAIA pero no need na to elaborate. Basta yung feeling na kahit siguro santa ka, di mo maiiwasang hindi magmura. Ganyan kabaho pamamalakad sa NAIA. SHAMEFUL!

angelica behrens
12/14/2011 11:27 PM
i have had some experiences in NAIA pero no need na to elaborate. Basta yung feeling na kahit siguro santa ka, di mo maiiwasang hindi magmura. Ganyan kabaho pamamalakad sa NAIA. SHAMEFUL!

reste jampals
12/14/2011 10:30 PM
Oh my Gosh!! nakakahiya nman yung ginawa nila.. Naku baka pag uwi ko nito eh haharangan ako ng mga yan!! bka pagsasampalin ko cla ng bag. As in nkakahiya talaga! dapat aksyon kaagad kc palagi nlang ganyan ang mga officers.. hahay ang Mahal Kong Pilipinas. kailan ba magbabago..:-( sana pag uwi ko ngayong pasko walang harangan. Ipapatay ko cla ky Bin Laden.. Chozzz

YUKI CHENG
12/14/2011 9:41 PM
kahit sino talaga mairita sa pamamalakad dyan sa NAIA.. ''the lagay airport'' only in the Philippines. Nakapagtataka nga eh sa immigration ng ibang bansa walang ka hirap2x pero sa pinas na sarili mong bayan hahanapan ka ng kung anu2x mga papeles yun pala lagay lng ang katapat..!

Knoet Duma
12/14/2011 7:40 PM
msasabi q pong my katotohanan ang mga issues na ito sa NAIA airport kc khit po aq npagdaanan itong instance na gnito..ngtaka lng aq na lumapit ang isang staff nila at tintanong kung ilan ang dala qng gadgets at dat tym it was my first arrival from abroad kya i have no idea na my dpat plang bayaran sa customs pro binyran q nlang dhil sa takot q, unfair lng na hndi lhat cncngil nla..

poun jeoux
12/14/2011 7:32 PM
NAKU!! Pnoy at ate Kris! nakakahiya yang airport na nakapangalan sa tatay niyo! Apelyido niyo ang dinadala ng kahiya hiyang airport natin! ): I agree.. may mga BUWAYA talaga diyan based on my own experience. Sa pila pa lang palabas ng immigration e mas matagal pa kesa sa oras ng nasa eroplano ka. Naghihintay siguro ng tip kaya super BAGAL..... NAKAKAHIYA

Hannah Mercado
12/14/2011 7:10 PM
hindi ako ganun ka fan ni Angelica but considering my experiences sa officers sa airport i think hndi nko mag wo-wonder how they treat her! Imbes na ma excite ka coz nkauwi ka for a long time u wont feel welcome at all and minsan ng haharass pa..they dont even give a warm smile to anybody just to make you feel home..and worst is kaliit liitang service na mabigay nila dapat may padulas na akala mo milyon2 dala mo at namumulot k lng ng pera sa pinggalingan mo..ONLY IN THE PHILIPPINES TALAGA!

Page: 1 2
Post A Comment
Comment: