Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung kayo ang tatanungin, kaninong panig kayo mas naniniwala?
A. Mon Tulfo
94440 vote/s out of 110987
85% Vote

B. Raymart & Claudine
16547 vote/s out of 110987
15% Vote

Total Votes: 110987

Robin Padilla wants a torrid kissing scene with Kris Aquino In ‘Kailangan Ko’y Ikaw’

2/04/2012 12:08 AM

by: Rachelle Siazon

Push This

040412-robin-main.jpgSa ginanap na story conference ng Kailangan Ko’y Ikaw noong ika-2 ng Pebrero, tinanong agad ni Robin Padilla si Kris Aquino kung payag na ba itong makipag torrid kissing scene sa gagawin nilang teleserye. Mabilis namang sumagot si Kris ng, ”Yes, pwedeng-pwede!

Nang tanungin ng entertainment press si Robin tungkol dito, nilinaw niya na walang malisya ang request niya na dapat may torrid kissing scene sila ng dating karelasyon.

Hindi [naman sa gustong-gusto ko]. Nagbibiruan lang kami ni Kris. Noon kasi kapag may pelikula kami bawal maghalikan. Palagay ko may mangyayari dito. Bawal pa kasi dati kasi may asawa siya or boyfriend. Wala akong inaatrasan lalo na sa halikan. Pero siyempre kailangan kasama sa storya yun. Hindi naman dahil sa gusto mo lang maghalikan, gagawin mo na.”

Ayon pa kay Robin, hindi na sila mga bata para maging big deal pa ang romantic past nila ng Queen of All Media. “Wala na yun. Ano na kami, mature na kami. Yung excitement na nararamdaman namin, lalo na ako, mas sa usapin na gusto ko siya makatrabaho sa ganitong klaseng aktingan, professional.” Excited din si Robin na makasama si Anne Curtis sa nasabing teleserye. “Iba si Kris, iba si Anne. Iba yung passion nila sa trabaho kaya mga successful sila sa kani-kanilang career. Kaya kong pantayan yun.

Wala rin daw dahilan para magselos ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez sa bago niyang leading ladies. “Wala. Nagkataon lang na ako’y pinagpala na makasama yung hottest young actress (Anne) at hottest actress-superstar (Kris). Siguro mabait ako kaya napagpala ako ng ganito.”

Comments
lorelyn bibon
2/7/2012 11:07 PM
ang ayaw ko lang sa tandang Robin na i2, kapag may mga projects sya sa tv, parang nakakalimutan nyang may asawa na siya. ka2lad nung sa guns&roses, mainit ang ulo kapag puyat sa shooting, matapang sya sa asawa nyang si Mariel, pero sa leading lady nya, SUPER GENTLEMAN, kuno??? Ano kayang sweetness ang gagawin nya ngayon kay Kris? hehehe baka hindi na yan uuwi sa bahay nya, dahil babantayan na lang niya si kris hahahahahahaha!!!

lorelyn bibon
2/4/2012 9:17 PM
hehehe lumalabas na uli ang pagka playboy ni Bad Boy. Sabi ko nga ba, HINDING HINDI MOKOKONTENTO ang isang BABAERO sa isang partner. Tignan nyo nga't palusot niya na mature na sila ni Kris, pero sa totoo lang pwedeng pwede na silang magka relasyon off camera lalo na't wala ng bisa ang kasal ni Kris kay James. Hahaha kawawang Mariel. Bad Boy go to hell, di bale yang panloloko mo sa babae, ang pambayad mo ay si Kylie. AYOS!

ziarae padilla
2/4/2012 5:57 PM
Insan, obviously, naghahanap ka ng iba't ibang lasa. Hindi mo ba mahuli ang panlasa mo? hehe... joke lang po :)

Post A Comment
Comment: