Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung kayo ang tatanungin, kaninong panig kayo mas naniniwala?
A. Mon Tulfo
94441 vote/s out of 110988
85% Vote

B. Raymart & Claudine
16547 vote/s out of 110988
15% Vote

Total Votes: 110988

Sarah Geronimo and Gerald Anderson are willing to have a date on Valentine’s Day

2/07/2012 9:54 AM

by: Bernie Franco

Push This

020612-sasa-main.jpgNagkaroon ng bagong segments sa bagong format ng The Buzz, na nagdiriwang ng kanilang ika-13 taon at isa dito ay ang “Buzz ng Bayan” na survey hinggil sa isang kontrobersyal na isyu kung saan makakaboto ang mga manonood.

At para sa pinakauna nilang survey, itinanong ng The Buzz kung naniniwala ba ang mga tao na may relasyon na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Ito ay pagkatapos mapansin sa kani-kanilang interview na pareho nilang sinasabi na espesyal sila sa isa’t isa. Dagdag pa rito ay umamin din ang dalawa na nagbigayan sila ng gift noong Pasko. Inamin ni Sarah na niregaluhan niya si Gerald ng isang t-shirt na ang kanyang inang si Divine pa ang namili, samantalang ang regalo naman ni Gerald kay Sarah ay isang Tiffany necklace.

Sinabi sa report ng The Buzz kahapon na isang reliable source ang nagsabi na diumano’y nakitang binantayan pa ni Gerald ang dressing room ni Sarah noong nakaraang linggo sa ASAP. Isa pa sa mga pruweba ay dahil tumigil na raw sa panliligaw kay Sarah si Miguel Villafuerte na noong nakaraang taon ay nagpadala pa ng cake sa bahay nina Sarah.

Itinanggi naman ni Sarah ang balitang binabantayan siya ni Gerald sa labas ng kanyang dressing room. “Once lang po ‘yun, nung Christmas po, nung inabot niya ‘yung Christmas gift n’ya,” ani Sarah.

Bilang paglilinaw, sinabi rin ni Gerald na hindi raw sila lumalabas ni Sarah. “Halos hindi kami nagkikita, parang once lang kami nagkita, nung isang araw lang.” Gayunpaman,  patuloy naman daw ang pagti-text nila at nagkukumustahan.

Hindi itinatanggi ni Gerald na espesyal daw talaga para sa kanya ang Pop Star Princess. Dagdag pa niya, binigyan din siya ng regalo ng ama ni Sarah pero ayaw niyang sabihin kung ano ito. Ginawa pa daw ang regalong ito mismo ng daddy ni Sarah. “Sobrang bait nila and I’m very honored sobrang bait nila sa akin.

Kung may pagkakataon daw, sinabi ni Gerald na willing siyang maka-date si Sarah sa darating na Valentine’s Day. “Kung magkaroon ako ng opportunity, syempre bakit naman hindi? Tsaka (kung) hindi siya busy.”

Pabor din si Sarah dito pero aniya, ang pagkakaalam niya ay may trabaho si Gerald on February 14. “Pero titingnan natin kung libre po ako. At (kung) libre naman siya bakit hindi? Kung pwede.

Nung matanong siya kung papayagan ba siya ng kanyang ina, sinabi ng actress-singer na umaasa siya na papayag ito pero tatanungin pa raw niya ito para sigurado.


Panoorin ang exclusive video sa The Buzz (click here)

Comments
gretchen wilson
4/6/2012 3:11 PM
kung sa akin lang..kayo na!! bagay talaga kau sasa at gege..

Porsh B.
2/11/2012 10:11 PM
Pinapanood ko ng ilang times yung mga videos nila lalo n yung mga offcam, i think meron tlgang something sa knila wala p lng label eh..as a viewer nraramdaman ko n mutual ang feeling nila kaso di pa lang official kasi nga parang ala pang sagutan n ngyayari.pero kung body language lalo n yung tinginan nila sa isat isa ang pagbabasehan in love tlga cla.nag aantay lng cguro ng right time ang dlawa.nway yun nga ang mganda eh d nila minamadali "kasi daw yung pag aantay yun dw ang pamatay eh"

Lorna Fernandico
2/11/2012 8:50 AM
wow bagay din cla sarah & gerald:))

lady lee
2/8/2012 7:17 PM
c sarah ay fragile at iniingatan dba kimerald?

lady lee
2/8/2012 7:16 PM
bxta ako ang msasabi ko lng wlang k2lad c sarah sa mga showbiz clebrity ngaun na "never been" mswerte ang mgging bf nya mlinis na babae kaiba dba?kya go go gerald

Lynn Watkins
2/8/2012 12:12 PM
just a comment: the last time that I spent so much time with an important people was with Lady Diana and Prince Charles...then now is SASA and GEGE...something about this two that's so intriguing I just can't understand...I'm sure all eyesis is on them..that will be so hard but all they can do is just trust in the LORD..and you will be okay...

ANDRES RANCHES
2/8/2012 6:51 AM
Sarah is very worthy precious girl, her wealth and beauty is her dignity and virtue, what most man are proud of to be the 1st man in her life, never been kiss and never been touch.

Rhaine Marker
2/7/2012 11:26 PM
baka ng bago nmn n si gege...pra inid n masakatan si sasa...pero KIMXI 4ver 100% un love eh....

Rhaine Marker
2/7/2012 11:23 PM
ok n ok pla KIMXI at sasa gege.....

Jenelyn Balasi
2/7/2012 1:20 PM
..->saNA cLA nlNG poH maGremaKE ng SAVE THE LAST DANCE...ayiEeee..liKElikElike...loVEloVEloVE???

Page: 1 2 3 4
Post A Comment
Comment: