Isa sa mga tinitingala sa mundo ng showbiz pagdating sa pananamit ay si Piolo Pascual. Kaya naman nahirang siya ng isang glossy magazine bilang 2009 Best Dressed Male Celebrity. Sa panayam ng ABS-CBN.com kay Piolo inamin nitong hindi naman talaga siya ‘fashionista’, safe dresser lang daw siya. “Nakakatuwa naman kasi ako ang taong napaka-safe dresser and to be given this kind of recognition siyempre it’s new for me. And I’m thankful sa Garage for this honor.”
Dagdag pa ni Piolo, “Nakaka-challenge din, sometimes you wanna experiment, simple lang kasi akong tao talaga eh, I’d rather dressed down para hindi pansinin.”
Marami rin ang nagulat sa bagong hairstyle ni Piolo noong awarding ceremony. Tanong tuloy ng mga press na dumalo sa event, adventurous din ba siya pagdating sa hairstyle? “This is as adventurous that I can get. Gusto ko nga magpakalbo eh. Ako pagdating sa buhok ko I’d rather go out of the house na naka-jeans and shirt tapos uncombed yung hair ko, mas gusto ko yung raw, raw na look”
Bilang isa naman sa pinaka-eligible bachelors sa ngayon, kailan kaya niya binalak na mag-asawa? “At this point in my life, right age na para mag-asawa, siguro ninanamnam ko lang yung pagiging binata ko and at the same time yung mga blessings in my life, so chill muna.”