Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung kayo ang tatanungin, kaninong panig kayo mas naniniwala?
A. Mon Tulfo
94450 vote/s out of 111002
85% Vote

B. Raymart & Claudine
16552 vote/s out of 111002
15% Vote

Total Votes: 111002

Valerie Concepcion says she has no issue with her Wowowee co-hosts

7/09/2009 8:14 AM

by: ABS-CBN Corporate Communications

Push This

Nakaladkad ang pangalan ni Valerie Concepcion sa isyu ni Cristine Reyes sa pag-alis nito sa Banana Split dahil naglalabas umano siya ng sama ng loob kay Cristine hinggil sa umano’y “hindi magandang relasyon” niya with RR at Pokwang na mga co-host din niya sa Wowowee. Nang tanungin si Valerie kung maayos naman ba ang relasyon niya with her Wowowee co-host maikli lamang ang sagot niya. “Yes, yes. Wala akong problema. Okay kami.” Sinabi rin niya na wala naman umanong tensyon na namamagitan sa kanila.

Pinaliwanag naman ni Becky Aguila na manager ni Valerie na sinubukan naman nilang manatili si Val sa show. “We tried to save her from Banana Split, pero hindi kakayanin. Sabi kasi mago-over-budget sila. So, mas mabuti na wala siya sa BS. Umalis naman siya ng maayos," sabi ni Becky noong makausap siya ng ABS-CBN.com sa storycon ng bagong show ni Valerie na Pat is Tin.

Kaya lang, until now, marami pa ring naniniwala na bukod sa sinasabing over-budget ang show 'pag  hindi nagbawas, iniiwas na lang  si Val ng manedyer sa pagkakawatak-watak ng mga mainstays  sa Banana Split, like kay Cristine Reyes, RR Enriquez at iba pa. Sa awayan nina Cristine at RR, siya daw kasi ang naiipit dahil kaibigan nito si Cristine at kasama naman sa Wowowee si RR. “I tried calling Cristine to hear her side at kami naman ni RR, nag-uusap kami in person since magkasama kami sa Wowowee,” sabi ni Val. Kaya lang, malabo pa raw silang magkasundo dahil  hindi naman daw biru-biro ang mga bad messages na ipinadala  ng isa't isa. “Kumbaga, hindi sila (Cristine at RR) magkaintindihan. Masama ang loob ni Cristine kay RR at gano'n din si RR kay Cristine. But I know, all wounds heal at sana maayos nila ang gusot . . . soon!" dalangin ng actress-host.

Post A Comment
Comment: