“Hindi po,” ito ang direktang sagot ni Sarah Geronimo sa The Buzz kahapon nang tanungin siya ni Boy Abunda kung sila na ba ni Gerald Anderson. Dagdag pa ni Sarah, “Halimbawa man po na meron kaming relationship ni Gerald, hindi po namin ililihim sa inyo. Sa ngayon, ayoko pong magpadala sa pressure. ‘Yung friendship namin gusto ko mag-grow pa, gusto ko pa siyang makilala nang husto. Gusto ko rin naman ’pag meron na akong courage to open up my heart at makilala niya rin ako nang mas mabuti pa.”
Ang sumunod na tanong ay kung nanliligaw ba ang binata sa kanya. “Sa akin po wala naman pong nangyayaring ligawan. Dapat sa lalaki manggagaling kung gusto niya talaga,” ani Sarah. Wala rin daw masama kung nag-date sila noong February 14. Group date naman daw ang nangyari. Kasama ni Gerald ang kanyang mga kaibigan at kasama naman ni Sarah ang mga kaibigan niya. Naroon din daw si Mommy Divine pero hindi para mabantayan si Sarah kundi inimbita rin siya ni Gerald.
Samantala, kinakabahan naman daw si Sarah sa kanyang upcoming musical show, ang Sarah G Live na magsisimula na next week. Dahil dito ay nagpaalam na si Sarah sa ASAP last Sunday. Itinanggi naman niyang may mga hindi siya nakakasundo sa ASAP kung kaya’t humingi diumano siya ng show sa management ng ABS-CBN. “Okay na po kaming lahat, happy naman po kami na nagtatrabaho. Pamilya po kami sa ASAP,” paniniyak ng Pop Star Princess. Wala rin daw katotohanan na nai-insecure siya kay Angeline Quinto. Paliwanag ni Sarah, nai-inspire siya kay Angeline dahil halos pareho sila ng pinagmulan, nangarap at ngayon ay nagkatotoo ang pangarap na sumikat at makilala bilang singer.
Hindi rin daw niya inagaw kay Vice Ganda ang show nito na Gandang Gabi, Vice. “Iba po ang timeslot ng Sarah G. (Live), at okay po kami ni Vice. ‘Di ko po alam sa’n nanggangaling ‘yung isyu na nagtampuhan.” Nagpaliwanag din si Sarah kung bakit hindi sila nagkausap ni Vice na mag-guest sa kanyang concert. Ani Sarah, noong mga panahong iyon ay nasa Amerika siya.
Panoorin ang full interview ni Sarah Geronimo sa The Buzz (click here)