Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung kayo ang tatanungin, kaninong panig kayo mas naniniwala?
A. Mon Tulfo
94477 vote/s out of 111044
85% Vote

B. Raymart & Claudine
16567 vote/s out of 111044
15% Vote

Total Votes: 111044

Vicki Belo needs time to heal broken heart from break-up with Hayden Kho

2/21/2012 9:55 AM

by: Krissa Donida

Push This

022112-vicky-main.jpgMatapos ang isang linggong pagpapahinga sa abroad, nagbalik na sa bansa ang celebrity doctor na si Vicki Belo.

Sa pagbalik ni Vicki sa bansa, nakiusap ito na bigyan siya ng pagkakataong hilumin ang kanyang sugatang puso bunga ng pakikipaghiwalay niya kay Hayden Kho.

Pag-amin ni Vicki, hindi madali ang kanyang pinagdadaanan lalo't pitong taon ang naging relasyon nila ni Hayden.

"Figure out what lesson I'm supposed to learn from this . I'm doing ok. I'm still sad of course but it would be weird if I wasn't since in 3 months we would have been together 7 years. Im trying," ani Vicki gamit ang kanyang Twitter.

"People are saying I was stupid for getting involved with a much younger man. Do you tweeps think an older woman younger man thing wont work," dagdag nito.

Nagpasalamat din si Vicki sa lahat ng kanyang tagasunod sa Twitter na aniya ay una pang nakaalam sa isyung nag-uugnay kay Hayden at Nancy.

"I most especially thanked God for all of you tweeps. You guys were the first to know , when I found out and had proof I tweeted immediately," ani Vicki.
 
Noong nakaraang Linggo bago ang Valentine's Day, nagulat ang lahat ng i-post sa Twitter ni Vicki na pinapayagan na niyang makipag-date si Hayden sa dating aktres na si Nancy Castiglione o kilala din bilang Nancy Jane.

Pareho namang itinanggi ni Hayden at Nancy ang isyu pero naniniwala si Vicki na may basehan ang sinasabing report na nag-uugnay kay Nancy at sa kanyang long-time patner.

Samantala, itinanggi din ni Vicki ang isyung nag-uugnay naman sa kanya sa Azkals player na si Aly Borromeo at yoga instructor niya.

Comments
Sara Marco
2/23/2012 1:00 AM
Buti naman at natauhan si mom vicky...everybody knows that hayden is just after her money...

Post A Comment
Comment: