Push

An ABS-CBN Entertainment News Site

SNN POLLS

Kung kayo ang tatanungin, kaninong panig kayo mas naniniwala?
A. Mon Tulfo
94477 vote/s out of 111044
85% Vote

B. Raymart & Claudine
16567 vote/s out of 111044
15% Vote

Total Votes: 111044

Andi Eigenmann excited to make her showbiz comeback

2/22/2012 10:14 AM

by: Mika Esperanza

Push This

022212-andi_main.jpgExcited na ang aktres na si Andi Eigenmann sa pagbabalik niya sa showbiz ilang buwan matapos niyang magsilang sa kanyang unang anak na si Adrianna "Ellie"Gabrielle.

Sa isang fashion gala kamakailan, ginulat ni Andi ang mga tao sa bilis ng kanyang pagpayat. Ayon kay Andi, naghahanda na siya ngayon sa pagbabalik sa trabaho at nakatulong talaga ng malaki ang pagpapa-breastfeed niya sa anak na si Ellie para manumbalik ang hubog ng kanyang katawan.
 
Ani Andi, gagawin niya ang lahat para sa kanyang trabaho lalo't ito ay para sa kanyang anak.  "Doble na po ang kayod ko ngayon dahil second chance na ito para sa akin. And gusto kong ipakita sa ABS-CBN na dine-deserve ko ang binibigay nila sa aking second chance, especially now that I have Ellie," ani Andi na itinakda ang binyag ng anak sa Abril.

Dahil din kay Ellie kung kaya't naka-sentro ngayon si Andi sa kanyang mga proyekto. Aniya, hindi na muna niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang pag-ibig lalo't napaso na siya dito. "Hindi na pa ako masyadong umaasa sa love life, love life bilang nabigo na ako dati." Giit ni Andi, masaya siya ngayon at hindi nagmamadali sa usapin ng pag-ibig.

Itong nakaraang buwan lang ay inamin ni Andi na nakikipag-date pa din siya kay Jake Ejercito, anak ni dating Pangulong Joseph Estrada. Sabi ni Andi, nagpapasalamat siya kay Jake dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya. "Yes we are really good friends and he will always be special to me."

Post A Comment
Comment: