Home »
News Items » Melai Cantiveros and Jason Francisco admit end of romance inside PBB house
Melai Cantiveros and Jason Francisco admit end of romance inside PBB house
2/22/2012 10:13 AM
by: Mika Esperanza
Inamin ni Melai Cantiveros at Jason Francisco o mas kilala bilang "Melason" na hiwalay na sila mismo sa loob ng Pinoy Big Brother house kung saan ay panauhin sila ni Kuya para sa season na ito.
Pag-amin ni Jason, totoong may hindi sila pagkakaunawaan ni Melai pero umaasa siyang hindi ito tatagal. "Aaminin ko may tampuhan kaming dalawa pero dumarating naman 'yon at nagkataon lang na bigla kaming pumasok dito eh nasa moment pa kami ng tampuhan. Pero it doesn't mean na hiwalay na kami forever," ani Jason. Sabi pa ng ex-housemate nag-ugat ang away nila ni Melai ng makalimutan niyang ayain ito sa isang party ng kanilang dating housemate na si Paul Jake Castillo. "Sa natatandaan ko kasi hindi ko siya na-invite sa bahay ni pareng Paul Jake. Akala niya, na-feel niya lang, na di siya importante sa akin. In-explain ko naman sa kanya na minsan ay gusto ko ding mag-isa kasi may iniisip ako para sa amin. So na-feel niya yata nanlalamig ako sa kanya o wala na akong feelings."
Samantala, nadulas naman sa pagsasabi si Melai na wala na sila ni Jason nang matanong ito ng kasalukuyang housemate na si Carlo Romero kung nobyo ba niya si Jason. "Hindi, oo, hindi," nalilitong pahayag ni Melai nang makitang pumasok na din sa PBB house si Jason. Ani Melai kahit may di pagkakaunawaan sila ni Jason ngayon ay humupa na naman ang kanyang galit. "Pero hindi na naman ako galit sa kanya ngayon."
Para naman kay Jason, inamin niyang sa kabila nang nangyari ay hindi pa din nagbabago ang pagtingin niya kay Melai. "Siyempre naman mahal, as in ganoon pa din. Sinabi ko sa kanya dati na kung di dahil sa kanya ay di ako magtagal dito (sa PBB house) so ganoon din sa labas. Kasi siya lang ang tao na alam kong magiging kakampi ko at kasanga ba," ani Jason.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay inamin ng "Banana Split" na nagpaalam na si Jason sa show. Sinasabing ang away niya kay Melai ang dahilan ng di umano ay pag-alis ni Jason sa weekly show.